Ang Pursuit of Happynes ay totoong
talambuhay ni Chris Gardner. Ginawang pelikula ito noong 2006. Ang pelikulang
ito ay nakakabagbag damdamin dahil ito ay hango sa tunay na pinagdaddaanan at
buhay ng bawat isa.
Ang pelikulang ito ay
tungkol kay Chistopher Gardner na nagbebenta ng isang gamit na “Bone density
scanner”. Kaya lang ay hindi ito nagging mabenta. Habang dinidiskubre niya kung
paano mabenta ang kanyang Bone Density Scanner, iniwan siya ng kanyang asawa,
nawalang sila ng matitirhan at pera. Nanihrahan sila ng kanyang anak sa kalye
kaya naman naging desidido si Gardner na makahanap ng trabaho. Nakahanap siya
ng trabaho bilang stock broker pero kelangan niya muna magsanay ng ng anim na
buwan ng hindi binabayaran. Sa huli ay nagkaroon siya ng multimillion-dollar
brokerage firm.
Ang kuwento ng pelikula
ay napakalungkot dahil nakagbahagi siya ng mga
problemang tunay na nangyayari sa buhay ng isang tao. Tulad na lamang ng
problema sa pamilya kung saan si Gardner ay may pangarap pero iniwan siya ng
kanyang asawa dahil nawalan na ito ng
pagasa na maggiging mabuti ang kanilang buhay. Si Garnder ay nahirapan din
magprovide para sa kanyang dahil di nagging mabenta ang kanyang produkto habang
nagsasanay siya bilang isang stock broker na walang sweldo. Dagdag pa ang
pagiging single parent niya sa kanyang anak. Kahit na malungkot ang kwento nito
at nakakiyak dahil naramdaman mo rin ang nararamdaman ng karakter sa pelikula,
isa rin itong inspirasyon para sa mga taong dumadaan at dadaan sa mga ganitong
klase ng pagsubok na malalampasan din nila ito kaya huwag silang sumuko kahit
marami ang magsasabi na hindi mo kaya ito. Katulad na lamang ng payo ni Gardner
sa kanyang anak na “Don’t let somebody tell you that you can’t and If you want
something go get it.” Kapupulutan ng aral ang kwentong ito lalo na at ito ay totoong
nangyari at hindi kathang isip lamang. Magaling din ang pagganap ng mga
karakter sa pelikulang ito at damang-dama mo ang emosyon na kanilang
pinapakita. Maganda rin ang pagkakalad ng kwentong sa pelilkulang ito at ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang pursuit of happiness ay nagiiwan ng
napakalaking impak sa mga manunuod dahil hinihikayat silang huwag sumuko sa
gitna ng pagsubok gaano man ito kalaki hanggang sa makamit mo ang iyong
mithiin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento